-
2 Cronica 25:11, 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Pagkatapos, buong tapang na pinangunahan ni Amazias ang kaniyang hukbo papunta sa Lambak ng Asin,+ at 10,000 lalaki ng Seir ang napatay niya.+ 12 Nakabihag din ang mga lalaki ng Juda ng 10,000. Kaya dinala nila ang mga ito sa tuktok ng malaking bato at inihagis ang mga ito mula roon, at nagkalasog-lasog ang katawan ng lahat ng ito.
-