-
2 Hari 21:19-21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 Si Amon+ ay 22 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya nang dalawang taon sa Jerusalem.+ Ang kaniyang ina ay si Mesulemet na anak ni Haruz na mula sa Jotba. 20 Patuloy niyang ginawa ang masama sa paningin ni Jehova, gaya ng ginawa ng ama niyang si Manases.+ 21 Tinularan niya ang lahat ng ginawa ng ama niya, at patuloy siyang naglingkod at yumukod sa kasuklam-suklam na mga idolo na pinaglingkuran ng ama niya.+
-