-
1 Hari 7:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Ipinasundo ni Haring Solomon si Hiram+ mula sa Tiro. 14 Anak siya ng isang biyuda mula sa tribo ni Neptali, at ang ama niya ay taga-Tiro at isang panday-tanso;+ mayroon siyang pambihirang kasanayan, kaunawaan,+ at karanasan sa paggawa ng anumang bagay na yari sa tanso.* Dumating siya at ginawa ang lahat ng ipinagawa sa kaniya ni Haring Solomon.
-
-
2 Cronica 4:11-16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Gumawa rin si Hiram ng mga lalagyan ng abo, mga pala, at mga mangkok.+
Kaya natapos ni Hiram ang ipinagawa sa kaniya ni Haring Solomon sa bahay ng tunay na Diyos:+ 12 ang dalawang haligi+ at ang mga hugis-mangkok na kapital sa ibabaw ng dalawang haligi; ang dalawang lambat+ na pantakip sa dalawang hugis-mangkok na kapital sa ibabaw ng mga haligi; 13 ang 400 granada*+ para sa dalawang lambat, dalawang hanay ng mga granada sa bawat lambat, para takpan ang dalawang hugis-mangkok na kapital na nasa mga haligi;+ 14 ang 10 patungang de-gulong* at 10 tipunan ng tubig sa mga patungang de-gulong;+ 15 ang malaking tipunan ng tubig at ang 12 toro sa ilalim nito;+ 16 at ang mga lalagyan ng abo, pala, tinidor,+ at ang lahat ng iba pang kagamitan na ginawa ni Hiram-abiv+ mula sa pinakintab na tanso para kay Haring Solomon para sa bahay ni Jehova.
-