Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 14:22, 23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Ginawa ng Juda ang masama sa paningin ni Jehova,+ at mas ginalit nila siya dahil mas masahol pa ang mga kasalanan nila kaysa sa mga ninuno nila.+ 23 Patuloy rin silang nagtayo ng matataas na lugar, mga sagradong haligi, at mga sagradong poste*+ sa bawat mataas na burol+ at sa ilalim ng bawat mayabong na puno.+

  • 2 Hari 15:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Nang ikalawang taon ni Peka na anak ni Remalias na hari ng Israel, si Jotam+ na anak ni Haring Uzias+ ng Juda ay naging hari.

  • 2 Hari 15:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 35 Pero hindi naalis ang matataas na lugar, at naghahandog pa rin ang bayan at gumagawa ng haing usok sa matataas na lugar.+ Siya ang nagtayo ng mataas na pintuang-daan ng bahay ni Jehova.+

  • 2 Cronica 21:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Si Jehoram ay 32 taóng gulang nang maging hari, at walong taon siyang namahala sa Jerusalem.+

  • 2 Cronica 21:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Gumawa rin siya ng matataas na lugar+ sa mga bundok ng Juda para magtaksil sa Diyos* ang mga taga-Jerusalem, at iniligaw niya ng landas ang Juda.

  • 2 Cronica 33:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 Si Manases+ ay 12 taóng gulang nang maging hari, at 55 taon siyang namahala sa Jerusalem.+

  • 2 Cronica 33:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Muli niyang itinayo ang matataas na lugar na giniba ng ama niyang si Hezekias,+ nagtayo siya ng mga altar para sa mga Baal at gumawa ng mga sagradong poste,* at yumukod siya sa buong hukbo ng langit at naglingkod sa mga ito.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share