-
Deuteronomio 12:30, 31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
30 mag-ingat kayo para hindi ninyo magaya ang ginawa nila matapos silang lipulin sa harap ninyo. Huwag ninyong itatanong tungkol sa mga diyos nila, ‘Paano naglilingkod noon ang mga bansang ito sa mga diyos nila? Gagayahin ko sila.’+ 31 Huwag ninyong gagawin iyon sa Diyos ninyong si Jehova, dahil ginagawa nila para sa mga diyos nila ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay na kinapopootan ni Jehova; sinusunog pa nga nila ang kanilang mga anak na lalaki at babae bilang hain sa mga diyos nila.+
-
-
Deuteronomio 18:9-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 “Kapag nakapasok na kayo sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, huwag ninyong gagayahin ang kasuklam-suklam na mga gawain ng mga bansa roon.+ 10 Hindi dapat magkaroon sa gitna ninyo ng sinumang nagsusunog ng anak niyang lalaki o babae bilang handog,*+ manghuhula,+ mahiko,+ naghahanap ng tanda,+ mangkukulam,*+ 11 nanggagayuma, kumokonsulta sa espiritista+ o manghuhula,+ o nakikipag-usap sa patay.+
-