-
Ezra 9:3, 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Nang marinig ko ito, pinunit ko ang damit* ko at binunot ang ilang buhok ng aking ulo at balbas, at naupo akong tulala. 4 At ang lahat ng may matinding paggalang* sa salita ng Diyos ng Israel ay pumalibot sa akin para makidalamhati dahil sa pagtataksil ng ipinatapong bayan, habang ako ay nakaupong tulala hanggang sa paghahain ng handog na mga butil sa gabi.+
-
-
Daniel 9:3-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Kaya lumapit ako kay Jehova na tunay na Diyos at nakiusap sa panalangin, na may pag-aayuno+ at telang-sako at abo. 4 Nanalangin ako sa aking Diyos na si Jehova at ipinagtapat sa kaniya ang mga kasalanan namin:
“O Jehova na tunay na Diyos, na dakila at kahanga-hanga,* na tumutupad sa kaniyang tipan at nagpapakita ng tapat na pag-ibig+ sa mga nagmamahal sa kaniya at sumusunod sa mga utos niya,+ 5 nagkasala kami at gumawa ng mali at ng napakasamang mga bagay at nagrebelde;+ at lumihis kami sa iyong mga utos at batas.*
-