-
Ezra 9:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 At nang matapos ang mga bagay na ito, ang matataas na opisyal ay lumapit sa akin at nagsabi: “Ang bayang Israel at ang mga saserdote at ang mga Levita ay hindi pa humihiwalay mula sa mga tao sa nakapalibot na mga lupain, at ginagawa pa rin nila ang kasuklam-suklam na mga gawain ng mga ito+—ng mga Canaanita, mga Hiteo, mga Perizita, mga Jebusita, mga Ammonita, mga Moabita, mga Ehipsiyo,+ at mga Amorita.+ 2 Kinuha nila ang ilang anak na babae ng mga ito para mapangasawa nila at ng kanilang mga anak.+ Kaya sila, ang banal na bayan,*+ ay nahaluan ng mga tao ng mga lupain.+ Ang matataas na opisyal at ang mga kinatawang opisyal ang pasimuno sa kataksilang ito.”
-
-
Malakias 2:7, 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Dahil ang mga labi ng saserdote ay dapat magturo* ng kaalaman, at sa kaniya dapat sumangguni ang mga tao tungkol sa kautusan,*+ dahil siya ang mensahero ni Jehova ng mga hukbo.
8 “Pero lumihis kayo ng daan. Marami kayong natisod may kinalaman sa kautusan.*+ Sinira ninyo ang tipan ni Levi,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.
-