-
Levitico 5:17, 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 “Kung ang sinuman ay magkasala dahil sa paggawa ng alinman sa mga ipinagbabawal ni Jehova, kahit hindi niya ito alam, nagkasala pa rin siya at mananagot sa kasalanan niya.+ 18 Dapat siyang magdala sa saserdote ng isang malusog na lalaking tupa mula sa kawan ayon sa tinatayang halaga, bilang handog para sa pagkakasala.+ At ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya dahil sa pagkakamali na nagawa niya nang hindi niya nalalaman, at mapatatawad siya.
-