-
Nehemias 7:61-65Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
61 At ito ang mga nanggaling sa Tel-mela, Tel-harsa, Kerub, Adon, at Imer, pero hindi nila mapatunayan na Israelita ang kanilang mga ninuno at angkan:*+ 62 ang mga anak ni Delaias, ang mga anak ni Tobia, at ang mga anak ni Nekoda, 642. 63 At mula sa mga saserdote: ang mga anak ni Habaias, ang mga anak ni Hakoz,+ at ang mga anak ni Barzilai, na nag-asawa ng isa sa mga anak na babae ni Barzilai+ na Gileadita at tinawag ayon sa pangalan ng kaniyang biyenan. 64 Naghanap sila ng mga dokumentong magpapatunay ng pinanggalingan nilang angkan, pero wala silang nakita, kaya hindi sila naging kuwalipikado bilang saserdote.*+ 65 Sinabi sa kanila ng gobernador*+ na hindi sila puwedeng kumain ng mga kabanal-banalang bagay+ hanggang sa may dumating na saserdoteng makasasangguni sa Urim at Tumim.+
-