15 Alalahanin mong naging alipin ka sa Ehipto at inilabas ka roon ni Jehova na iyong Diyos sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay at isang unat na bisig.+ Iyan ang dahilan kung bakit iniutos sa iyo ni Jehova na iyong Diyos na sundin ang batas sa Sabbath.
26 Nagsumamo ako kay Jehova, ‘O Kataas-taasang Panginoong Jehova, huwag mong ipahamak ang iyong bayan. Sila ay iyong pag-aari,*+ na tinubos mo sa pamamagitan ng iyong kadakilaan at inilabas sa Ehipto gamit ang iyong makapangyarihang kamay.+