Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 23:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 “Hindi puwedeng makapasok sa kongregasyon ni Jehova ang isang Ammonita o Moabita.+ Maging ang mga inapo nila hanggang sa ika-10 henerasyon ay hindi puwedeng makapasok sa kongregasyon ni Jehova kahit kailan, 4 dahil hindi nila kayo binigyan ng tinapay at tubig noong lumabas kayo sa Ehipto,+ at dahil binayaran nila si Balaam na anak ni Beor mula sa Petor ng Mesopotamia para sumpain kayo.+

  • Ezra 9:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At nang matapos ang mga bagay na ito, ang matataas na opisyal ay lumapit sa akin at nagsabi: “Ang bayang Israel at ang mga saserdote at ang mga Levita ay hindi pa humihiwalay mula sa mga tao sa nakapalibot na mga lupain, at ginagawa pa rin nila ang kasuklam-suklam na mga gawain ng mga ito+—ng mga Canaanita, mga Hiteo, mga Perizita, mga Jebusita, mga Ammonita, mga Moabita, mga Ehipsiyo,+ at mga Amorita.+ 2 Kinuha nila ang ilang anak na babae ng mga ito para mapangasawa nila at ng kanilang mga anak.+ Kaya sila, ang banal na bayan,*+ ay nahaluan ng mga tao ng mga lupain.+ Ang matataas na opisyal at ang mga kinatawang opisyal ang pasimuno sa kataksilang ito.”

  • Ezra 10:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Pagkatapos ay tumayo ang saserdoteng si Ezra, at sinabi niya sa kanila: “Nagtaksil kayo nang mag-asawa kayo ng mga babaeng banyaga,+ kaya lalong lumaki ang kasalanan ng Israel.

  • 2 Corinto 6:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Huwag kayong makipagtuwang* sa mga di-sumasampalataya.+ Dahil puwede bang pagsamahin ang katuwiran at kasamaan?*+ O ano ang pagkakatulad ng liwanag at kadiliman?+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share