Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Job 7:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Ang paglipas ng mga araw ko ay mas mabilis pa sa pag-ikot ng panghabi,+

      At nagwawakas ang mga iyon sa kawalang-pag-asa.+

  • Job 14:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 “Ang buhay ng tao na ipinanganak ng babae

      Ay maikli+ at punô ng problema.*+

       2 Sumisibol siyang gaya ng bulaklak at pagkatapos ay nalalanta;*+

      Gaya siya ng aninong mabilis na nawawala.+

  • Awit 39:5, 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Ginawa mong kaunti lang ang mga araw ko;+

      At napakaikli ng buhay ko sa paningin mo.+

      Bawat tao, kahit mukhang matatag, ay gaya lang ng isang hininga.+ (Selah)

       6 Talagang ang bawat tao ay lumalakad na gaya ng anino.*

      Nagpapakaabala siya* para sa wala.

      Nag-iimbak siya ng kayamanan, pero hindi niya alam kung sino ang makikinabang dito.+

  • Awit 103:15, 16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Ang mga araw ng taong mortal ay gaya ng sa damo;+

      Namumukadkad siyang gaya ng bulaklak sa parang.+

      16 Pero kapag humihip ang hangin, naglalaho iyon,

      Na para bang hindi iyon kailanman tumubo roon.*

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share