8 Kung paanong hindi nakokontrol at napipigilan ng tao ang kaniyang hininga ng buhay,* hindi rin niya kayang hadlangan ang araw ng kamatayan niya.+ Kung paanong walang pinauuwi kapag may digmaan, hindi rin pinatatakas ng kasamaan ang mga gumagawa nito.*
2 Iisa lang ang kahihinatnan ng lahat,+ ang matuwid at ang masama,+ ang mabuti at ang malinis at ang marumi, ang naghahain at ang hindi naghahain. Ang mabuti ay gaya rin ng makasalanan; ang nananata ay gaya rin ng taong maingat sa pagbibitiw ng panata.