Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 15:39
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 39 ‘Dapat kayong magkaroon ng palawit na ito para kapag nakita ninyo ito, maaalaala ninyo ang lahat ng utos ni Jehova at susundin ang mga iyon.+ Huwag ninyong sundin ang inyong puso at mata, na aakay sa inyo na maging di-tapat sa akin.*+

  • Eclesiastes 11:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Magsaya ka, binata, habang kabataan ka pa, at masiyahan nawa ang puso mo sa panahon ng iyong kabataan. Sundin mo ang puso mo at pumunta ka kung saan ka akayin ng mga mata mo; pero tandaan mong hahatulan ka ng tunay na Diyos depende* sa mga gagawin mo.+

  • Ezekiel 6:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At maaalaala ako ng mga nakatakas habang bihag sila sa gitna ng mga bansa.+ Maiisip nilang nasaktan ako dahil sa kanilang di-tapat* na puso na lumayo sa akin+ at dahil sa kanilang mga mata na nagnanasa sa karima-rimarim nilang mga idolo.*+ Ikahihiya nila at kapopootan ang lahat ng kasuklam-suklam at masasamang ginawa nila.+

  • Mateo 5:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Kaya kung nagkakasala ka dahil sa kanang mata mo, dukitin mo ito at itapon.+ Dahil mas mabuti pang mawala ang isang parte ng katawan mo kaysa ihagis ang buong katawan mo sa Gehenna.*+

  • 1 Juan 2:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 dahil ang lahat ng bagay sa sanlibutan—ang pagnanasa ng laman+ at pagnanasa ng mga mata+ at pagyayabang ng mga pag-aari*—ay hindi nagmumula sa Ama, kundi nagmumula sa sanlibutan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share