Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 139:11, 12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Kung sasabihin ko: “Tiyak na itatago ako ng kadiliman!”

      Ang gabi ay magiging liwanag sa palibot ko.

      12 Kahit ang kadiliman ay hindi magiging napakadilim para sa iyo,

      Kundi ang gabi ay magiging kasinliwanag ng araw;+

      Ang kadiliman ay kapareho ng liwanag para sa iyo.+

  • Isaias 29:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Kaawa-awa ang mga gumagawa ng lahat para maitago ang mga plano* nila mula kay Jehova.+

      Ginagawa nila sa dilim ang gawain nila

      At sinasabi: “Sino ang nakakakita sa atin?

      Sino ang nakaaalam sa ginagawa natin?”+

  • Jeremias 23:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 “May tao bang makapagtatago sa isang lihim na lugar kung saan hindi ko siya makikita?”+ ang sabi ni Jehova.

      “May makakalampas ba sa pansin ko sa langit at sa lupa?”+ ang sabi ni Jehova.

  • Amos 9:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 At kung magtatago sila sa taluktok ng Carmel,

      Hahanapin ko sila roon at kukunin.+

      At kung magtatago sila sa pinakasahig ng dagat,

      Doon ay uutusan ko ang ahas na tuklawin sila.

  • Hebreo 4:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At walang nilalang na nakatago sa paningin niya,+ kundi ang lahat ng bagay ay nakalantad at kitang-kita ng isa na hahatol sa atin sa mga ginagawa natin.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share