10 Sino ang magdadala sa akin sa napapaderang lunsod?
Sino ang aakay sa akin hanggang sa Edom?+
11 Hindi ba ikaw, O Diyos, na nagtakwil sa amin,
Ang Diyos namin na hindi na sumasama sa aming mga hukbo?+
12 Tulungan mo kami sa pagdurusa namin,+
Dahil walang saysay na umasa sa pagliligtas ng tao.+
13 Bibigyan kami ng Diyos ng lakas,+
At tatapakan niya ang mga kaaway namin.+