-
1 Samuel 30:23-25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 Pero sinabi ni David: “Mga kapatid ko, huwag ninyong gawin iyan sa mga ibinigay sa atin ni Jehova. Pinrotektahan niya tayo at ibinigay sa kamay natin ang grupo ng mga mandarambong na sumalakay sa atin.+ 24 Walang papayag sa gusto ninyong mangyari. Pantay-pantay ang magiging parte ng mga sumama sa labanan at ng mga umupo sa tabi ng bagahe.+ Ang lahat ay magkakaroon ng parte.”+ 25 At mula nang araw na iyon, ito ang naging tuntunin at batas sa Israel hanggang sa araw na ito.
-