-
Santiago 1:23-25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 Dahil kung ang sinuman ay tagapakinig ng salita at hindi tagatupad,+ siya ay gaya ng isang tao na tumitingin sa mukha* niya sa salamin. 24 Tinitingnan niya ang sarili niya, at umaalis siya at agad na nalilimutan kung anong uri siya ng tao. 25 Pero ang tumitingin sa perpektong kautusan+ na umaakay sa kalayaan at patuloy na sumusunod dito ay hindi isang malilimuting tagapakinig, kundi isang tagatupad ng gawain; at magiging maligaya siya sa ginagawa niya.+
-