Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 17:18-20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Kapag umupo na siya sa trono ng kaharian niya, gagawa siya ng sariling kopya* ng Kautusang ito, na iniingatan ng mga saserdoteng Levita.+

      19 “Mananatili iyon sa kaniya, at babasahin niya iyon sa bawat araw ng buhay niya,+ para matuto siyang matakot sa Diyos niyang si Jehova at masunod niya ang lahat ng salita sa Kautusang ito at ang mga tuntuning ito sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga iyon.+ 20 Sa gayon, ang puso niya ay hindi magmamataas sa mga kapatid niya, at hindi siya lilihis sa utos, sa kanan man o sa kaliwa, para mamahala siya nang mahabang panahon sa kaharian niya, siya at ang mga anak niya sa gitna ng Israel.

  • Awit 119:105
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 105 Ang salita mo ay lampara sa aking paa,

      At liwanag sa aking landas.+

  • 2 Timoteo 3:16, 17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Ang buong Kasulatan ay mula sa Diyos+ at kapaki-pakinabang sa pagtuturo,+ pagsaway, pagtutuwid, at pagdidisiplina ayon sa katuwiran,+ 17 para ang lingkod ng Diyos ay maging lubos na may kakayahan, na handang-handa para sa bawat mabuting gawa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share