Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Nehemias 4:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Dinggin mo kami, O aming Diyos, dahil hinahamak nila kami.+ Ibalik mo sana sa kanila* ang pang-iinsulto nila,+ at gawin mo silang bihag sa ibang lupain.*

  • Nehemias 6:15, 16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Kaya natapos ang pader sa loob ng 52 araw, noong ika-25 ng Elul.*

      16 Nang mabalitaan iyon ng lahat ng kaaway namin at nang makita iyon ng lahat ng nakapalibot na bansa, talagang napahiya sila,*+ at nalaman nila na natapos namin ang gawaing ito dahil sa tulong ng aming Diyos.

  • Esther 6:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Nang sabihin ni Haman sa asawa niyang si Zeres+ at sa lahat ng kaibigan niya ang nangyari sa kaniya, sinabi ng kaniyang mga tagapayo* at ni Zeres: “Kung Judio* si Mardokeo, hindi ka mananalo sa kaniya. At ngayong nagsimula ka nang bumagsak sa harap niya, tuluyan ka nang babagsak.”

  • Esther 9:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Pinabagsak ng mga Judio ang lahat ng kaaway nila gamit ang espada at pinuksa ang mga ito; ginawa nila ang anumang gusto nilang gawin sa mga napopoot sa kanila.+

  • Awit 137:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Alalahanin mo, O Jehova,

      Ang sinabi ng mga Edomita noong araw na bumagsak ang Jerusalem:

      “Gibain iyon! Gibain pati ang mga pundasyon!”+

  • Zacarias 12:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Sa araw na iyon, ang Jerusalem ay gagawin kong isang mabigat* na bato sa lahat ng bayan. Ang lahat ng bubuhat dito ay tiyak na masasaktan nang malubha;+ at ang lahat ng bansa sa lupa ay magsasama-sama laban sa kaniya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share