15 Hindi ito mabibili ng purong ginto,
At hindi rin ito matutumbasan ng pilak.+
16 Hindi ito mabibili ng ginto ng Opir+
O ng mamahaling onix at safiro.
17 Hindi maikukumpara dito ang ginto at salamin,
At hindi ito kayang palitan ng lalagyang yari sa purong ginto.+
18 Wala sa kalingkingan nito ang korales at kristal,+
Dahil ang isang supot ng karunungan ay nakahihigit sa isang supot ng perlas.