29 “Alam ng Diyos nating si Jehova ang lahat ng lihim,+ pero may mga bagay na isiniwalat at ipinagkatiwala sa atin at sa mga inapo natin magpakailanman, para masunod natin ang lahat ng salita sa Kautusang ito.+
33 Talagang kahanga-hanga ang saganang pagpapala,* karunungan, at kaalaman ng Diyos! Di-maabot ng isipan ang mga hatol niya at di-matunton ang mga daan niya!