Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 17:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 tiyakin ninyo na ang aatasan ninyong hari ay ang pinili ng Diyos ninyong si Jehova.+ Mag-atas kayo ng hari mula sa mga kapatid ninyo. Hindi ninyo puwedeng atasan bilang hari ang isang dayuhan na hindi ninyo kapatid.

  • Deuteronomio 17:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Huwag din siyang kukuha ng maraming asawa para hindi malihis ang puso niya;+ huwag siyang magpaparami ng pilak at ginto para sa sarili niya.+

  • 1 Hari 11:1-3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Pero si Haring Solomon ay umibig sa maraming babaeng banyaga+ bukod pa sa anak ng Paraon:+ mga babaeng Moabita,+ Ammonita,+ Edomita, Sidonio,+ at Hiteo.+ 2 Galing sila sa mga bansang tinutukoy ni Jehova nang sabihin niya sa mga Israelita: “Huwag kayong makikisama sa kanila,* at hindi sila dapat makisama sa inyo, dahil siguradong pasusunurin nila kayo* sa mga diyos nila.”+ Pero mahal na mahal sila* ni Solomon. 3 Mayroon siyang 700 asawa na mga prinsesa at 300 pangalawahing asawa, at malaki ang naging impluwensiya sa kaniya ng mga asawa niya.

  • Nehemias 13:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Hindi ba ito ang dahilan kaya nagkasala si Haring Solomon ng Israel? Walang haring tulad niya saanmang bansa;+ minahal siya ng kaniyang Diyos+ at ginawang hari sa buong Israel. Pero kahit siya, nagkasala dahil sa mga asawang banyaga.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share