-
1 Samuel 2:18, 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Kahit bata pa si Samuel, naglilingkod na siya+ sa harap ni Jehova, at may suot* siyang linong epod.*+ 19 At ginagawan siya ng kaniyang ina ng isang maliit na damit na walang manggas, at ibinibigay iyon sa kaniya ng kaniyang ina taon-taon kapag sumasama ito sa asawa nito para mag-alay ng taunang handog.+
-
-
Tito 2:3-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Sa katulad na paraan, ang matatandang babae ay dapat gumawi nang kagalang-galang,* hindi naninirang-puri, hindi naglalasing,* at mga guro ng kabutihan, 4 para mapayuhan* nila ang mga nakababatang babae na mahalin ang kanilang asawa, mahalin ang kanilang mga anak, 5 magkaroon ng matinong pag-iisip, maging malinis, masipag sa gawaing-bahay,* mabuti, at nagpapasakop sa kanilang asawa,+ nang sa gayon, ang salita ng Diyos ay hindi mapagsalitaan ng masama.
-