-
Eclesiastes 9:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Mayroon pa akong nakita sa ilalim ng araw: Hindi laging ang matulin ang nananalo sa takbuhan, hindi laging ang malakas ang nananalo sa labanan,+ hindi laging ang marunong ang may nakakain, hindi laging ang matalino ang nagiging mayaman,+ at hindi laging ang may kaalaman ang nagtatagumpay,+ dahil lahat sila ay naaapektuhan ng panahon at di-inaasahang pangyayari.
-
-
Santiago 4:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Makinig kayo ngayon, kayong nagsasabi: “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa lunsod na ito at mananatili roon nang isang taon, at magnenegosyo kami at kikita,”+ 14 samantalang hindi ninyo alam ang magiging buhay ninyo bukas.+ Dahil kayo ay isang singaw na lumilitaw nang sandali at pagkatapos ay naglalaho.+
-