-
1 Hari 12:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Pero mabagsik ang sagot ng hari sa bayan; binale-wala niya ang payo sa kaniya ng matatandang lalaki. 14 Sinunod niya ang payo ng mga nakababatang lalaki at sinabi sa mga tao: “Mabigat ang pasan na ibinigay sa inyo ng ama ko, pero pabibigatin ko pa iyon. Pinarusahan kayo ng ama ko gamit ang latigo, pero paparusahan ko kayo gamit ang latigong may mga panusok.”
-