-
Eclesiastes 3:19, 20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 dahil ang mangyayari sa hayop ay mangyayari din sa tao; pareho sila ng kahihinatnan.+ Kung paanong namamatay ang hayop, namamatay rin ang tao; at lahat sila ay may iisang puwersa ng buhay.*+ Kaya ang tao ay walang kahigitan sa hayop, dahil ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan. 20 Iisa lang ang kapupuntahan ng lahat.+ Lahat sila ay galing sa alabok,+ at lahat sila ay babalik sa alabok.+
-
-
Eclesiastes 9:2, 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Iisa lang ang kahihinatnan ng lahat,+ ang matuwid at ang masama,+ ang mabuti at ang malinis at ang marumi, ang naghahain at ang hindi naghahain. Ang mabuti ay gaya rin ng makasalanan; ang nananata ay gaya rin ng taong maingat sa pagbibitiw ng panata. 3 Ito ang nakakadismayang pangyayari sa ilalim ng araw: Dahil ang lahat ay may iisang kahihinatnan,+ ang puso ng mga tao ay punô ng kasamaan; at may kabaliwan sa puso nila sa buong buhay nila, at pagkatapos ay namamatay sila!*
-
-
Eclesiastes 9:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Mayroon pa akong nakita sa ilalim ng araw: Hindi laging ang matulin ang nananalo sa takbuhan, hindi laging ang malakas ang nananalo sa labanan,+ hindi laging ang marunong ang may nakakain, hindi laging ang matalino ang nagiging mayaman,+ at hindi laging ang may kaalaman ang nagtatagumpay,+ dahil lahat sila ay naaapektuhan ng panahon at di-inaasahang pangyayari.
-