28 Lumapit kayo sa akin, lahat kayo na pagod at nabibigatan, at pagiginhawahin ko kayo. 29 Pasanin ninyo ang pamatok ko at matuto kayo sa akin, dahil ako ay mahinahon at mapagpakumbaba,*+ at magiginhawahan kayo.
17 Dahil dito, kinailangan niyang maging gaya ng “mga kapatid” niya sa lahat ng bagay,+ para siya ay maging isang maawain at tapat na mataas na saserdote na naglilingkod sa Diyos, para makapag-alay siya ng pampalubag-loob na handog*+ para sa mga kasalanan ng mga tao.+