Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 44:16, 17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Ang kalahati nito ay sinusunog niya sa apoy;

      Ginagamit niya iyon para mag-ihaw ng karneng kakainin niya, at nabubusog siya.

      Nagpapainit din siya at sinasabi niya:

      “Ang sarap ng init ng apoy!”

      17 Pero ang natira doon ay ginagawa niyang isang diyos, isang inukit na imahen.

      Niyuyukuran niya iyon at sinasamba.

      Nananalangin siya roon:

      “Iligtas mo ako, dahil ikaw ang diyos ko.”+

  • Daniel 3:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Ang haring si Nabucodonosor ay gumawa ng isang gintong imahen* na 60 siko* ang taas at 6 na siko* ang lapad. Itinayo niya iyon sa kapatagan ng Dura sa nasasakupang distrito ng Babilonya.

  • Daniel 3:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 na kapag narinig ninyo ang tunog ng tambuli, plawta, sitara, alpang tatsulok, instrumentong de-kuwerdas, gaita,* at lahat ng iba pang instrumentong pangmusika, dapat kayong sumubsob sa lupa at sumamba sa gintong imahen na itinayo ni Haring Nabucodonosor.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share