Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 31:16, 17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Malapit ka nang mamatay,* at ang bayang ito ay sasamba* sa mga diyos ng mga banyaga sa palibot ng lupaing pupuntahan nila.+ Iiwan nila ako,+ at hindi sila tutupad sa pakikipagtipan ko sa kanila.+ 17 Sa panahong iyon, lalagablab ang galit ko sa kanila,+ at iiwan ko sila+ at hindi tutulungan*+ hanggang sa maubos sila. At kapag dumanas na sila ng maraming kapahamakan at paghihirap,+ sasabihin nila, ‘Wala na sa gitna natin ang ating Diyos kaya dinanas natin ang mga kapahamakang ito.’+

  • 2 Cronica 36:15, 16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Patuloy silang binigyan ng babala ni Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng mga mensahero niya. Paulit-ulit niya silang binigyan ng babala, dahil naawa siya sa kaniyang bayan at sa kaniyang tahanan. 16 Pero palagi nilang iniinsulto ang mga mensahero ng tunay na Diyos,+ at hinamak nila ang mga salita niya+ at ang mga propeta niya,+ hanggang sa magliyab ang galit ni Jehova sa bayan niya,+ hanggang sa wala na silang pag-asang gumaling.

  • Panaghoy 2:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  2 Walang awang winasak ni Jehova ang lahat ng tirahan ng Jacob.

      Sa kaniyang poot ay giniba niya ang mga tanggulan ng anak na babae ng Juda.+

      Ibinagsak niya sa lupa at nilapastangan ang kaharian+ at ang matataas na opisyal nito.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share