-
Genesis 46:5-7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Pagkatapos, umalis si Jacob sa Beer-sheba, at isinakay ng mga anak ni Israel ang kanilang amang si Jacob, pati na ang mga anak at asawa nila, sa mga karwaheng ipinadala ng Paraon para sa paglalakbay ni Jacob. 6 Dinala nila ang kanilang mga kawan at mga pag-aari, na natipon nila sa lupain ng Canaan. Nang maglaon, nakarating sila sa Ehipto, si Jacob at ang lahat ng kasama niyang supling. 7 Isinama niya sa Ehipto ang kaniyang mga anak na lalaki at apong lalaki, mga anak na babae at apong babae—lahat ng supling niya.
-