Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 30:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 “Kapag nangyari sa inyo ang lahat ng salitang ito, ang pagpapala at ang sumpa na iniharap ko sa inyo,+ at naalaala ninyo ang mga ito+ kapag naroon na kayo sa mga bansa kung saan kayo pinangalat ng Diyos ninyong si Jehova,+

  • Deuteronomio 30:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 ibabalik ng Diyos ninyong si Jehova ang mga nabihag sa inyo+ at magpapakita siya ng awa+ at muli kayong titipunin mula sa lahat ng bayan kung saan kayo pinangalat ng Diyos ninyong si Jehova.+

  • Awit 30:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Dahil ang mapasailalim sa galit niya ay panandalian,+

      Pero ang maranasan ang kabaitan* niya ay panghabambuhay.+

      May pagluha man sa gabi, sa umaga naman ay may hiyaw ng kagalakan.+

  • Awit 106:47
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 47 Iligtas mo kami, O Jehova na aming Diyos,+

      At tipunin mo kami mula sa mga bansa+

      Para makapagpasalamat kami sa banal mong pangalan

      At magalak sa pagpuri sa iyo.+

  • Isaias 27:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Sa araw na iyon ay kukunin ni Jehova ang mga bunga mula sa umaagos na Ilog* hanggang sa Wadi* ng Ehipto,+ at isa-isa niya kayong titipunin, O bayang Israel.+

  • Jeremias 29:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 “Dahil ito ang sinabi ni Jehova, ‘Kapag natupad ang 70 taon sa Babilonya, aalalahanin ko kayo,+ at tutuparin ko ang pangako kong ibalik kayo sa lugar na ito.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share