Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Cronica 36:20, 21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Ginawa niyang bihag sa Babilonya ang mga hindi namatay sa espada,+ at ang mga ito ay naging mga lingkod niya+ at ng mga anak niya hanggang sa magsimulang mamahala ang kaharian ng Persia,+ 21 para matupad ang salita ni Jehova na binigkas ni Jeremias,+ hanggang sa makabawi ang lupain sa mga sabbath nito.+ Sa buong panahon na tiwangwang ang lupain, nagpahinga ito,* para matupad ang 70 taon.+

  • Isaias 49:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Pero sinasabi ng Sion:

      “Iniwan ako ni Jehova;+ kinalimutan na ako ni Jehova.”+

  • Jeremias 30:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 “Pero pagagalingin kita at paghihilumin ko ang mga sugat mo,”+ ang sabi ni Jehova,

      “Kahit na itinatakwil at tinatawag ka nilang

      ‘Ang Sion, na hindi hinahanap ninuman.’”+

  • Panaghoy 1:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Ang mga daan papuntang Sion ay nagdadalamhati, dahil walang pumupunta sa kapistahan.+

      Ang lahat ng pintuang-daan niya ay tiwangwang;+ ang mga saserdote niya ay nagbubuntonghininga.

      Ang mga dalaga niya ay namimighati, at siya ay nagdurusa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share