Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Cronica 28:19, 20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Ibinaba ni Jehova ang Juda dahil kay Haring Ahaz ng Israel, dahil hinayaan nitong magpakasama ang Juda at nakagawa sila ng malaking kataksilan kay Jehova.

      20 Nang maglaon, kinalaban siya at pinahirapan+ ni Haring Tilgat-pilneser+ ng Asirya sa halip na tulungan siya.

  • Isaias 7:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Pasasapitin ni Jehova sa iyo at sa bayan mo at sa sambahayan ng iyong ama ang kapahamakang hindi pa nangyayari mula nang humiwalay ang Efraim sa Juda,+ dahil isusugo Niya ang hari ng Asirya.+

  • Isaias 7:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 “Sa araw na iyon, sa pamamagitan ng isang upahang labaha mula sa rehiyon ng Ilog,* sa pamamagitan ng hari ng Asirya,+ ay aahitin ni Jehova ang buhok sa ulo at ang balahibo sa mga binti, at aalisin nito pati ang balbas.

  • Isaias 10:28-32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Dumating siya sa Aiat;+

      Dumaan siya sa Migron;

      Iniwan niya sa Micmash+ ang dala-dalahan niya.

      29 Dumaan sila sa tawiran;

      Nagpalipas sila ng gabi sa Geba;+

      Nanginig ang Rama, tumakas ang Gibeah+ na lunsod ni Saul.*+

      30 Sumigaw ka, O anak na babae ng Galim!

      Makinig ka, O Laisa!

      O kaawa-awang Anatot!+

      31 Ang Madmena ay tumakas.

      Ang mga taga-Gebim ay naghanap ng kanlungan.

      32 Sa mismong araw na ito ay titigil siya sa Nob.+

      Iniaamba niya ang kamao niya laban sa bundok ng anak na babae ng Sion,

      Ang burol ng Jerusalem.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share