-
Isaias 20:3, 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 At sinabi ni Jehova: “Kung paanong ang lingkod kong si Isaias ay lumakad nang hubad at nakapaa nang tatlong taon bilang tanda+ at babala sa Ehipto+ at Etiopia,+ 4 gayon dadalhin ng hari ng Asirya ang mga bihag mula sa Ehipto+ at ang mga ipinatapon mula sa Etiopia, mga batang lalaki at matatandang lalaki, na hubad at nakapaa at nakalabas ang mga pigi—isang kahihiyan* sa Ehipto.
-
-
Jeremias 43:10, 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Pagkatapos, sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: “Ipapatawag ko si Nabucodonosor* na hari ng Babilonya, na lingkod ko,+ at ilalagay ko ang trono niya sa ibabaw ng mga batong ito na itinago ko, at ilalatag niya ang kaniyang maringal na tolda sa ibabaw ng mga iyon.+ 11 At darating siya at sasalakayin ang lupain ng Ehipto.+ Ang sinumang nararapat sa nakamamatay na salot ay ibibigay sa nakamamatay na salot, at ang sinumang nararapat sa pagkabihag ay bibihagin, at ang sinumang nararapat sa espada ay ibibigay sa espada.+
-