-
Isaias 32:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
Ang Opel+ at ang bantayan ay tuluyan nang naging walang-silbing lupain,
Puntahan ng maiilap na asno
At pastulan ng mga kawan,+
-
Panaghoy 2:8, 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Ipinasiya ni Jehova na gibain ang pader ng anak na babae ng Sion.+
Iniunat niya ang pising panukat.+
Hindi niya pinigilan ang kamay niya sa pagwasak.*
At pinagdalamhati niya ang tanggulan at pader.
Pareho itong pinahina.
ט [Tet]
9 Ang mga pintuang-daan nito ay lumubog sa lupa.+
Winasak niya at sinira ang mga halang nito.
Ang hari at ang matataas na opisyal nito ay ipinatapon sa mga bansa.+
Walang kautusan;* kahit ang mga propeta nito ay walang nakitang pangitain mula kay Jehova.+
-
-
-