-
Marcos 7:6-8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Sinabi niya sa kanila: “Mga mapagkunwari, tama ang inihula ni Isaias tungkol sa inyo. Nasusulat: ‘Pinararangalan ako ng bayang ito sa pamamagitan ng mga labi nila, pero malayong-malayo ang puso nila sa akin.+ 7 Walang saysay ang patuloy na pagsamba nila sa akin, dahil mga utos ng tao ang itinuturo nila bilang doktrina.’+ 8 Binabale-wala ninyo ang utos ng Diyos at sinusunod ang tradisyon ng mga tao.”+
-