Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 1:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Matigas ang ulo ng iyong matataas na opisyal at kasabuwat sila ng mga magnanakaw.+

      Lahat sila ay mahilig sa suhol at naghahabol ng regalo.+

      Hindi nila binibigyan ng katarungan ang mga walang ama,*

      At hindi nakakarating sa kanila ang kaso ng mga biyuda.+

  • Jeremias 5:26-28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Dahil may masasamang tao sa bayan ko.

      Lagi silang nakaabang, nakaupo at nakayukong gaya ng manghuhuli ng ibon.

      Nag-uumang sila ng nakamamatay na bitag.

      Mga tao ang hinuhuli nila.

      27 Gaya ng hawla na punô ng ibon,

      Ang mga bahay nila ay punô ng panlilinlang.+

      Kaya naging makapangyarihan sila at mayaman.

      28 Tumaba sila at nabanat ang balat;

      Nag-uumapaw sila sa kasamaan.

      Hindi nila ipinaglalaban ang kaso ng mga walang ama+

      Para mapayaman nila ang kanilang sarili;

      At pinagkakaitan nila ng katarungan ang mahihirap.’”+

  • Mikas 2:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 “Kaawa-awa ang mga may masamang balak,

      Na nagpaplano ng kasamaan habang nasa kanilang higaan!

      Sa pagsikat ng araw ay ginagawa nila iyon,

      Dahil kayang-kaya nilang gawin iyon.+

       2 Kapag gusto nila ang isang bukid, inaagaw nila iyon,+

      Kapag nagustuhan nila ang isang bahay, kinukuha nila iyon;

      Nandaraya sila para makuha ang bahay ng isang tao,+

      At makuha ang mana nito.

  • Mikas 6:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Nasa bahay pa ba ng masasama ang mga kayamanang nakuha sa kasamaan

      At ang madayang takalang epa* na kasumpa-sumpa?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share