Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 2:2, 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  2 Sa huling bahagi ng mga araw,*

      Ang bundok ng bahay ni Jehova

      Ay itatatag nang matibay at mas mataas pa sa tuktok ng mga bundok,+

      At iyon ay gagawing mas mataas pa sa mga burol,

      At dadagsa roon ang lahat ng bansa.+

       3 At maraming bayan ang magpupunta roon at magsasabi:

      “Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Jehova,

      Sa bahay ng Diyos ni Jacob.+

      Tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan,

      At lalakad tayo sa kaniyang mga landas.”+

      Dahil ang kautusan* ay lalabas mula sa Sion,

      At ang salita ni Jehova mula sa Jerusalem.+

  • Isaias 56:6, 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Kung tungkol sa mga dayuhan na pumanig kay Jehova para sumamba sa kaniya,

      Para ibigin ang pangalan ni Jehova+

      At maging mga lingkod niya,

      Lahat ng nangingilin ng Sabbath at hindi lumalapastangan dito

      At nanghahawakan sa aking tipan,

       7 Dadalhin ko rin sila sa aking banal na bundok,+

      At magsasaya sila sa loob ng aking bahay-panalanginan.

      Ang kanilang mga buong handog na sinusunog at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa altar ko.

      Dahil ang bahay ko ay tatawaging bahay-panalanginan para sa lahat ng bayan.”+

  • Isaias 60:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Pupunta sa liwanag mo ang mga bansa+

      At sa nagniningning mong karilagan* ang mga hari.+

  • Mikas 4:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Sa huling bahagi ng mga araw,*

      Ang bundok ng bahay ni Jehova+

      Ay itatatag nang matibay at mas mataas pa sa tuktok ng mga bundok,

      At iyon ay gagawing mas mataas pa sa mga burol,

      At dadagsa roon ang mga bayan.+

       2 At maraming bansa ang magpupunta roon at magsasabi:

      “Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Jehova

      At sa bahay ng Diyos ni Jacob.+

      Tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan,

      At lalakad tayo sa kaniyang mga landas.”

      Dahil ang kautusan* ay lalabas mula sa Sion,

      At ang salita ni Jehova mula sa Jerusalem.

  • Zacarias 2:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 “Maraming bansa ang papanig kay Jehova sa araw na iyon,+ at sila ay magiging bayan ko; at maninirahan ako sa gitna mo.” At malalaman mo na si Jehova ng mga hukbo ang nagsugo sa akin sa iyo.

  • Zacarias 8:22, 23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 At maraming bayan at makapangyarihang bansa ang pupunta sa Jerusalem para hanapin si Jehova ng mga hukbo+ at para makiusap kay* Jehova.’

      23 “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘Sa panahong iyon, 10 lalaki mula sa lahat ng wika ng mga bansa+ ang hahawak, oo, hahawak sila nang mahigpit sa damit* ng isang Judio* at magsasabi: “Gusto naming sumama sa inyo,+ dahil nabalitaan naming ang Diyos ay sumasainyo.”’”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share