Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 1:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 At ginawa ng Diyos ang dalawang maliliwanag na tanglaw, ang isang tanglaw para sumikat nang maliwanag* kapag araw+ at ang isa pa para magbigay ng mahinang liwanag* kapag gabi. Ginawa rin niya ang mga bituin.+

  • Isaias 54:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Dahil ang mga bundok ay maaaring maalis

      At ang mga burol ay maaaring mayanig,

      Pero ang aking tapat na pag-ibig ay hindi aalisin sa iyo,+

      At ang aking tipan ng kapayapaan ay hindi mayayanig,”+ ang sabi ni Jehova, na naaawa sa iyo.+

  • Jeremias 31:35-37
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 35 Ito ang sinabi ni Jehova,

      Ang nagbibigay ng araw bilang liwanag sa maghapon,

      Ng mga batas ng buwan at ng mga bituin bilang liwanag sa gabi,

      Ang kumokontrol sa dagat at nagpapalakas ng mga alon nito,

      Na ang pangalan ay Jehova ng mga hukbo:+

      36 “‘Kung ang mga tuntuning ito ay mabigo,’ ang sabi ni Jehova,

      ‘Saka lang hindi na magiging bansa sa harap ko ang mga supling ni Israel.’”+

      37 Ito ang sinabi ni Jehova: “‘Kung masusukat ang langit sa itaas at masasaliksik ang mga pundasyon ng lupa sa ibaba, saka ko lang maitatakwil ang lahat ng supling ni Israel dahil sa lahat ng ginawa nila,’ ang sabi ni Jehova.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share