5 Si Jehoiakim+ ay 25 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya nang 11 taon sa Jerusalem. Patuloy niyang ginawa ang masama sa paningin ni Jehova na kaniyang Diyos.+ 6 Sinalakay siya ni Haring Nabucodonosor+ ng Babilonya para maigapos siya ng dalawang kadenang tanso at madala sa Babilonya.+