Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jeremias 21:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 “‘“At pagkatapos niyan,” ang sabi ni Jehova, “ibibigay ko si Haring Zedekias ng Juda at ang mga lingkod niya at ang mga tao sa lunsod na ito—ang mga nakaligtas sa salot, sa espada, at sa taggutom—sa kamay ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya, sa kamay ng mga kaaway nila, at sa kamay ng mga gustong pumatay sa kanila.+ Pababagsakin niya sila sa pamamagitan ng espada. Hindi siya mahahabag o maaawa sa kanila.”’+

  • Jeremias 24:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 “‘Pero tungkol sa pangit na mga igos na napakapangit at hindi makakain,+ ito ang sinabi ni Jehova: “Gayon ko pakikitunguhan si Haring Zedekias+ ng Juda, ang kaniyang matataas na opisyal, ang natira sa mga taga-Jerusalem na naiwan sa lupaing ito, at ang mga nakatira sa lupain ng Ehipto.+

  • Jeremias 34:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 At ibibigay ko si Haring Zedekias ng Juda at ang matataas na opisyal niya sa kamay ng mga kaaway nila at sa kamay ng mga gustong pumatay sa kanila at sa kamay ng mga hukbo ng hari ng Babilonya,+ na umaatras mula sa inyo.’+

  • Ezekiel 12:12, 13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Kung tungkol sa pinuno nila, papasanin niya sa balikat ang mga gamit niya at aalis habang madilim. Bubutas siya sa pader at ilalabas doon ang mga dala niya.+ Tatakpan niya ang mukha niya para hindi niya makita ang lupa.’ 13 Ihahagis ko sa kaniya ang aking lambat para sa pangangaso at mahuhuli siya nito.+ At dadalhin ko siya sa Babilonya, sa lupain ng mga Caldeo, pero hindi niya iyon makikita; at doon siya mamamatay.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share