-
Jeremias 23:16, 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo:
“Huwag ninyong pakinggan ang sinasabi ng mga propeta na nanghuhula sa inyo.+
Nililinlang* nila kayo.
17 Paulit-ulit nilang sinasabi sa mga lumalapastangan sa akin,
‘Sinabi ni Jehova: “Magkakaroon kayo ng kapayapaan.”’+
At sa lahat ng sumusunod sa sarili nilang mapagmatigas na puso ay sinasabi nila,
‘Hindi kayo mapapahamak.’+
-
-
Jeremias 28:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
28 Nang taon ding iyon, sa pasimula ng pamamahala ni Haring Zedekias+ ng Juda, sa ikalimang buwan ng ikaapat na taon, ang propetang mula sa Gibeon+ na si Hananias na anak ni Azur ay nagsabi sa akin sa bahay ni Jehova sa harap ng mga saserdote at ng buong bayan: 2 “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Babaliin ko ang pamatok ng hari ng Babilonya.+
-