-
Jeremias 41:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Kinuha ni Johanan na anak ni Karea at ng lahat ng pinuno ng hukbong kasama niya ang lahat ng natira mula sa Mizpa, ang mga nailigtas nila mula kay Ismael na anak ni Netanias matapos nitong patayin si Gedalias+ na anak ni Ahikam. Dinala nila mula sa Gibeon ang mga lalaki, mga sundalo, mga babae, mga bata, at ang mga opisyal ng palasyo.
-
-
Jeremias 42:1-3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
42 At ang lahat ng pinuno ng mga hukbo, si Johanan+ na anak ni Karea, si Jezanias na anak ni Hosaias, at ang buong bayan, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila, ay lumapit 2 at nagsabi sa propetang si Jeremias: “Pakisuyo, pakinggan mo ang pakiusap namin, at manalangin ka kay Jehova na iyong Diyos para sa amin, para sa lahat ng natirang ito, dahil kaunti na lang kaming natitira,+ gaya ng nakikita mo. 3 Sabihin nawa sa amin ni Jehova na iyong Diyos ang daan na dapat naming lakaran at ang dapat naming gawin.”
-