Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jeremias 6:13, 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 “Dahil mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila sa kanila, bawat isa ay di-tapat at sakim sa pakinabang;+

      Mula sa propeta hanggang sa saserdote, bawat isa ay nandaraya.+

      14 At sinisikap nilang pagalingin ang sugat* ng bayan ko sa basta pagsasabing

      ‘May kapayapaan! May kapayapaan!’

      Kahit wala namang kapayapaan.+

  • Jeremias 14:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At sinabi ko: “O Kataas-taasang Panginoong Jehova! Sinasabi sa kanila ng mga propeta, ‘Hindi kayo makakakita ng espada, at hindi kayo daranas ng taggutom; sa halip ay bibigyan ko kayo ng tunay na kapayapaan sa lugar na ito.’”+

  • Jeremias 23:16, 17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo:

      “Huwag ninyong pakinggan ang sinasabi ng mga propeta na nanghuhula sa inyo.+

      Nililinlang* nila kayo.

      Ang pangitaing sinasabi nila ay galing sa sarili nilang puso,+

      Hindi sa bibig ni Jehova.+

      17 Paulit-ulit nilang sinasabi sa mga lumalapastangan sa akin,

      ‘Sinabi ni Jehova: “Magkakaroon kayo ng kapayapaan.”’+

      At sa lahat ng sumusunod sa sarili nilang mapagmatigas na puso ay sinasabi nila,

      ‘Hindi kayo mapapahamak.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share