2 “Ngayon ay ginawa kitang mahina sa gitna ng mga bansa;
Lubusan kang hinamak.+
3 Dinaya ka ng kayabangan ng puso mo,+
Ikaw na protektado ng malalaking bato,
Ikaw na nakatira sa mataas na lugar at nagsasabi,
‘Sino ang magpapabagsak sa akin sa lupa?’
4 Kahit tumira ka pa sa napakataas na lugar gaya ng agila,
O ilagay mo ang iyong pugad sa mga bituin,
Mula roon ay ibabagsak kita,” ang sabi ni Jehova.