-
Deuteronomio 28:53-57Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
53 Kaya kakainin ninyo ang sarili ninyong anak,* ang laman ng mga anak ninyong lalaki at babae+ na ibinigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, dahil sa tindi ng pagpapahirap at pananakop ng kaaway ninyo.
54 “Kahit ang pinakamaselan at pihikang lalaki sa inyo ay hindi maaawa sa kaniyang kapatid o mahal na asawa o buháy pang anak, 55 at hindi siya mamimigay ng laman ng kaniyang anak na kakainin niya, dahil wala nang matitira sa kaniya sa tindi ng pagpapahirap at pananakop ng inyong kaaway sa mga lunsod ninyo.+ 56 At ang maselan at pihikang babae sa inyo na hindi man lang maisayad sa lupa ang paa niya dahil sa sobrang selan+ ay hindi maaawa sa kaniyang mahal na asawa o sa anak niyang lalaki o babae, 57 kahit pa sa inunan na lumabas sa sinapupunan* niya at sa anak na isinilang niya. Palihim niyang kakainin ang mga ito dahil sa tindi ng pagpapahirap at pananakop ng inyong kaaway sa lunsod ninyo.
-
-
2 Hari 25:3-7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Noong ikasiyam na araw ng ikaapat na buwan, matindi na ang taggutom+ sa lunsod, at wala nang makain ang mga tao.+ 4 Nabutas at napasok ang pader ng lunsod,+ at tumakas ang lahat ng sundalo noong gabi; dumaan sila sa pintuang-daan sa pagitan ng dalawang pader malapit sa hardin ng hari habang ang mga Caldeo ay nakapalibot sa lunsod; at ang hari ay tumakas papuntang Araba.+ 5 Pero ang hari ay hinabol ng hukbo ng mga Caldeo, at naabutan nila siya sa mga tigang na kapatagan ng Jerico. Nahiwalay siya sa hukbo niya at nagkawatak-watak ang mga ito. 6 Hinuli nila ang hari+ at dinala siya sa hari ng Babilonya sa Ribla, at hinatulan nila siya. 7 Pinatay nila ang mga anak ni Zedekias sa harap niya; pagkatapos, binulag ni Nabucodonosor si Zedekias, iginapos ng kadenang tanso, at dinala sa Babilonya.+
-