-
2 Cronica 36:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Patuloy silang binigyan ng babala ni Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng mga mensahero niya. Paulit-ulit niya silang binigyan ng babala, dahil naawa siya sa kaniyang bayan at sa kaniyang tahanan. 16 Pero palagi nilang iniinsulto ang mga mensahero ng tunay na Diyos,+ at hinamak nila ang mga salita niya+ at ang mga propeta niya,+ hanggang sa magliyab ang galit ni Jehova sa bayan niya,+ hanggang sa wala na silang pag-asang gumaling.
-
-
Jeremias 25:3, 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 “Mula nang ika-13 taon ng anak ni Amon na si Josias,+ na hari ng Juda, hanggang sa araw na ito, sa loob ng 23 taon, dumarating sa akin ang salita ni Jehova, at nakikipag-usap ako sa inyo nang paulit-ulit,* pero ayaw ninyong makinig.+ 4 At isinusugo ni Jehova sa inyo ang lahat ng lingkod niyang propeta nang paulit-ulit,* pero ayaw ninyong makinig o magbigay-pansin.+
-