Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 17:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Paulit-ulit na nagbabala si Jehova sa Israel at Juda sa pamamagitan ng lahat ng propeta at ng bawat lingkod niyang nakakakita ng pangitain:+ “Tigilan na ninyo ang masasamang ginagawa ninyo!+ Sundin ninyo ang mga utos at tuntunin ko, ang lahat ng kautusang ibinigay ko sa mga ninuno ninyo at ipinaabot ko sa inyo sa pamamagitan ng mga lingkod kong propeta.”

  • 2 Cronica 36:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Patuloy silang binigyan ng babala ni Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng mga mensahero niya. Paulit-ulit niya silang binigyan ng babala, dahil naawa siya sa kaniyang bayan at sa kaniyang tahanan.

  • Nehemias 9:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Ayaw nilang makinig,+ at kinalimutan nila ang mga himala* na ginawa mo sa gitna nila; naging matigas ang ulo* nila at nag-atas sila ng mangunguna pabalik sa pagkaalipin sa Ehipto.+ Pero ikaw ay isang Diyos na handang magpatawad,* mapagmalasakit* at maawain, hindi madaling magalit at sagana sa tapat na pag-ibig,*+ at hindi mo sila iniwan.+

  • Nehemias 9:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 Naging matiisin ka sa kanila+ sa loob ng maraming taon at paulit-ulit silang binigyan ng babala ng iyong mga propeta na ginabayan ng iyong espiritu, pero ayaw nilang makinig. Nang dakong huli, ibinigay mo sila sa kamay ng mga bayan* sa lupain.+

  • Jeremias 25:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 At isinusugo ni Jehova sa inyo ang lahat ng lingkod niyang propeta nang paulit-ulit,* pero ayaw ninyong makinig o magbigay-pansin.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share