Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 4:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 At kapag tumingin kayo sa langit at nakita ninyo ang araw, buwan, at mga bituin—ang buong hukbo ng langit—huwag kayong matutuksong yumukod at maglingkod sa mga iyon.+ Ibinigay ng Diyos ninyong si Jehova ang mga iyon sa lahat ng bayan sa ibabaw ng lupa.*

  • 2 Hari 17:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Palagi nilang binabale-wala ang lahat ng utos ni Jehova na kanilang Diyos, at gumawa sila ng metal na estatuwa ng dalawang guya*+ at isang sagradong poste,*+ at yumukod sila sa buong hukbo ng langit+ at naglingkod kay Baal.+

  • 2 Hari 21:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Si Manases+ ay 12 taóng gulang nang maging hari, at 55 taon siyang namahala sa Jerusalem.+ Ang pangalan ng kaniyang ina ay Hepziba.

  • 2 Hari 21:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Muli niyang itinayo ang matataas na lugar na winasak ng ama niyang si Hezekias,+ at nagtayo siya ng mga altar para kay Baal at gumawa ng sagradong poste,*+ gaya ng ginawa ni Ahab na hari ng Israel.+ At yumukod siya sa buong hukbo ng langit at naglingkod sa mga ito.+

  • Jeremias 19:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At ang mga bahay sa Jerusalem at ang mga bahay ng mga hari ng Juda ay magiging marumi gaya ng lugar na ito, ng Topet,+ dahil naghandog sila sa bubong ng mga ito para sa buong hukbo ng langit+ at nagbuhos ng mga handog na inumin para sa ibang diyos.’”+

  • Ezekiel 8:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Kaya dinala niya ako sa maliit na looban* ng bahay ni Jehova.+ Doon sa pasukan ng templo ni Jehova, sa pagitan ng beranda at ng altar, may mga 25 lalaki na nakatalikod sa templo ni Jehova at nakaharap sa silangan; niyuyukuran nila ang araw sa silangan.+

  • Zefanias 1:4, 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 “Iuunat ko ang kamay ko laban sa Juda

      At laban sa lahat ng taga-Jerusalem,

      At papawiin ko mula sa lugar na ito ang lahat ng bakas ni Baal,+

      Ang pangalan ng mga saserdote ng huwad na diyos, pati na ang mga saserdote,+

       5 At ang mga nasa bubong na yumuyukod sa hukbo ng langit,+

      At ang mga yumuyukod at nangangako ng katapatan kay Jehova+

      Samantalang nangangako ng katapatan kay Malcam;+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share